Mining operation sa protected area sa Antique, prinotesta

Mining operation sa protected area sa Antique, prinotesta

Bombo Radyo Philippines
Friday, 14 October 2011 22:00

ILOILO CITY – Tinututulan ngayon ng mga residente sa Brgy. San Roque, Libertad, Antique ang isinasagawang mining operation sa kanilang lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Iloilo, nagsimula ngayong linggo ang mining operation at pansamantalang natigil nang manalasa ang bagyong Ramon.

Inihayag ng isang Nelly Cabado, nangangamba sila sa magiging epekto ng mining activity lalo na’t saklaw nito ang idineklarang protected area sa kanilang lugar na North-West Panay Peninsula Natural Park na suportado ng presidential decree.

Isa sa mga pinangangambahan ng mga residente sa lugar ang posibilidad ng landslides kapag nagpatuloy ang mining activity sa kanilang lugar.

Inakusahan naman ng mga residente ang alkalde ng kanilang bayan na si Mayor Berting Palma Reymundo na siyang nagpupursige na ituloy ang pagmimina sa kabila ng kanilang pagtutol.

Saklaw ng mining operation ang may 120 ektarya ng lupain sa nabanggit na lugar.

Source:
Mining operation sa protected area sa Antique, prinotesta